Dear Ate Charo,
Nais kong ikwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang
gabi. Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon.
Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa
lamang sa loob ng aking kuwarto.
Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang
pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman
po siya dahil ama ko po siya.
Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan
ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko “ITAY huwag, anak mo
ako!”.
Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
ginagawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng
aking tatay sa kanyang ginagawa.
Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, “Hayop
ka wag mong gawin yan sa anak mo.” Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na
lamang ang sarili ko sa Diyos.
Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap
ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita. Magaling naman pala
mag-make-up si Itay.
Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Bakla pala siya.
Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang
aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nagiyakan.
Masaya na kami ngayon at walang problema.
Yours truly,
Berto